Matapos umatras si Chavit Singson, nagdesisyon na rin si Doc Willie Ong, na kilala bilang "Doktor ng Bayan," na hindi na tumakbo sa darating na eleksyon.
Inihayag niya mismo sa Facebook na umatras siya sa kandidatura bilang senador upang bigyang-pansin ang kanyang kalusugan.
“I am officially withdrawing my candidacy for the 2025 elections so I can focus more on taking care of my health,” sey niya sa post ngayong araw, February 13.
Mensahe pa niya, “I sincerely thank all the people who supported me and prayed for me. I will continue to support good governance and the candidates who espouse the same ideals as mine.”
Pagtitiyak din ni Doc Willie, “Our advocacy to help the poor Filipinos continues even in my private capacity.”
Noong Setyembre ng nakaraang taon, inanunsyo ng cardiologist at health advocate na si Doc Willie Ong na maghahain siya ng certificate of candidacy (CoC) sa pagkasenador sa pamamagitan ng kanyang asawang si Dr. Anna Liza Ramoso, sa kabila ng kanyang sakit na sarcoma o abdominal cancer.
Matatandaan na noong 2022, tumakbo siya bilang bise-presidente kasama si dating Manila Mayor Isko Moreno sa ilalim ng Aksyon Demokratiko. Una rin siyang sumubok sa Senado noong 2019, ngunit hindi pinalad. Nagsilbi rin siyang consultant ng Department of Health mula 2010 hanggang 2014.
Samantala, noong Oktubre, sinabi ni Doc Willie na patuloy nang bumubuti ang kanyang kalagayan matapos sumailalim sa iba’t ibang gamutan sa ibang bansa. Naniniwala siyang may plano ang Diyos para sa kanya at sa lahat ng patuloy na naniniwala at nagtitiwala sa Kanya.
0 Comments