Umani ng mga batikos mula sa publiko ang content creator na si Sir Jack dahil sa pagpuna niya sa paggamit ng pronoun para kay Awra Briguela.
Ibinahagi ni Sir Jack ang artcard na orihinal na ipinost ng ABS-CBN News, na naglalaman ng balita tungkol sa pagtatapos ni Awra bilang senior high school graduate.
Pinansin ni Sir Jack ang headline na nagsasabing: "Awra Briguela on finally getting her high school degree: Simula pa lang ito."
Aniya “Anong her? Goodluck bro!”
Kaya naman hindi na nakapagtataka na maraming netizens ang nag-react at tila na-trigger, kabilang na ang mga tagahanga ni Awra at ilang miyembro ng LGBTQIA+ community, dahil sa ginawa ni Sir Jack.
“Nanalo ba to? Sana hindi! Kasi masama ang ugali. If hindi ka pabor sa nabasa mo pwede naman deadma nalang. Pero yung i po post mo pa na may kasamang pang iinsulto, is a BIG NO!!! gsto sana kita laitin, pero wag na d tayo mag ka level,” wika ng isang netizen.
“Instead na maging mabait, mas pinili mo pang gumanyan. Kaya sguro binigay sayo kase baka mas malala kapa kung hindi ganyan,” wika naman ng isa.
Ngunit tila hindi pinapansin ni Sir Jack ang mga reaksiyon ng netizens kaugnay sa umano'y “misgendering” na ginawa niya.
Sa isang hiwalay na post, muling ni-reshare ni Sir Jack ang kanyang post tungkol kay Awra at nilagyan ito ng caption na, “Ang OA nyo mga beh ha, i love #Awra.”
0 Comments