MATAPANG na nanawagan ang Phenomenal Box-office Star na si Vice Ganda kay Pangulong Bongbong Marcos na ipasok sa kulungan ang lahat ng magnanakaw sa gobyerno.
Habang nasa entablado sa isinasagawang kilos-protesta sa EDSA People’s Power Monument na layong kondenahin ang korapsyon sa bansa, diretsahang hinarap ni Vice Ganda ang isyu sa publiko.
Ayon sa TV host-comedian, mahigpit na tututukan ng sambayanan ang magiging tugon ng pamahalaan sa problema ng pagnanakaw at katiwalian sa gobyerno. Ani Vice, ”Kaya hinahamon ka namin Pangulong Bongbong Marcos, kung gusto mong magkaroon ng magandang legasiya ang pangalan mo, ipakulong mo ang lahat ng magnanakaw. Nakatingin kami sa yo, Pangulong Bongbong Marcos at inaasahan ka namin, hindi dahil sa idol ka namin kundi dahil sinuswelduhan ka namin at inaasahan namin na tutuparin mo ang inuutos naming mga employer mo."
“Nakatingin kami sa inyo, ipakulong lahat, lahat ipakulong. Bawiin ang ari-arian! Pati atay, i-donate, pati mata i-donate, walang ititira.
“Kasi nga hindi tayo pwedeng maawa dahil mga put*ng i*a nila! Maraming-maraming salamat sa inyong lahat!” ang bahagi pa ng mensahe ni Vice Ganda.
0 Comments