Ticker

6/recent/ticker-posts

Ad Code

Piolo Pascual “Currently Dating” na nga ba sa Model na si Kim Rivera?


Nagkaka-developan na kaya ang beteranong aktor na si Piolo Pascual at Kim Rivera?

’Yan ang tanong ng netizens matapos kumalat ang isang sweet na litrato niya kasama ang Filipino-Chinese model na si Kim Rivera.

Kitang-kita pa nga sa larawan na yakap ni Piolo si Kim, tila nakahalik pa sa ulo ng dalaga habang magkasama sa isang yate sa bakasyon.

Sa isa pang photo, kahit may isa pang babaeng kasama, kapansin-pansing nakasandal si Kim kay Piolo habang hawak naman ng aktor ang kanyang braso.

Ang mga litrato ay galing mismo sa Instagram carousel post ni Kim, mula sa kanyang Baler getaway.

Ang caption pa ng model sa post, “Reliving these moments.”

Sa comment section, isang IG user ang nagtanong: “Is that Papa P?”

Sumagot naman si Kim ng, “Kamukha lang po,” na tila may halong sarcasm, lalo’t halatang si Piolo Pascual talaga ang kasama niya—kitang-kita pa nga ang tattoo ng aktor sa balikat na tugma sa mga litrato niya sa social media.

Sa ngayon, wala pang kumpirmasyon mula kina Piolo at Kim tungkol sa totoong estado ng kanilang relasyon. Matatandaang noong Enero, sinabi ni Piolo sa isang panayam na 13 taon na siyang “single.”

“Sinabi sa akin ni Pastor Julius, the more you stay single, the more you’re gonna enjoy it, the more you’re not going to look for it,” sey niya sa panayam

Aniya pa, “For thirteen years. Lovelife ko talaga ‘yung trabaho ko.”

Nabanggit din noon ni Piolo na hindi siya actively naghahanap ng full-time commitment. Huling naiugnay ang aktor sa Kapamilya actress na si Shaina Magdayao.


Post a Comment

0 Comments