Ticker

6/recent/ticker-posts

Ad Code

Christine Reyes naka move on na; may bago nang Boyfriend?


“Ang bilis talaga ng mga artista maka-move on!”

Iyan ang pambibiro ng mga netizen kay Cristine Reyes, na diumano’y may bagong kapalit na si Marco Gumabao.

Usap-usapan ngayon ang mga litratong ina-upload sa social media ng sinasabing bagong nobyo ni Cristine, ang political strategist na si Gio Tingson.

Para sa mga tagasuporta ng aktres, tila ito na ang "hard launch" ng relasyon nila ni Gio, na isa sa mga naging campaign strategist ni Sen. Bam Aquino noong 2025 midterm elections.

Si Gio ay kasalukuyang nagtatrabaho bilang head of public affairs ng Grab Philippines at dating chairperson ng National Youth Commission.

Makikita rin sa kanyang Instagram page ang ilang larawan nila ni Cristine habang magkasamang nagbabakasyon sa Hanoi, Vietnam.

Ang caption sa larawan ay, “Crossing the Red River at Thăng Long.”

Reaksyon ng mga netizens, mukhang nakahanap na talaga si Cristine ng bonggang kapalit ni Marco matapos ang kanilang hiwalayan ilang buwan na ang nakalipas.

Ayon pa sa ilang tagasuporta ng aktres, hanga sila sa bilis ng pagmu-move on ni Cristine mula sa breakup.

“Sana all” daw gano’n kabilis makalimot sa nakaraan.

Unang lumabas ang balita tungkol sa relasyon nina Gio at Cristine sa episode ng “Ogie Diaz Showbiz Update” noong June 29.

Ayon kay Mama Ogs, kahit si Cristine ay hayagang sumuporta noon kay reelectionist Sen. Imee Marcos, naging malapit pa rin siya kay Gio na kilalang konektado naman kay Bam Aquino.

Ibinunyag din na ilang beses na raw silang nakita na magkasama sa iba’t ibang events. Ani Ogie, “Feeling ko naka-move on na si Cristine.”

Sa ngayon, wala pang kumpirmasyon o pagtanggi mula kina Cristine at Gio hinggil sa tunay na estado ng kanilang relasyon.

Post a Comment

0 Comments