Ticker

6/recent/ticker-posts

Ad Code

Ivana Alawi at Dan Fernandez pareho ang design ng closet? Netizens agad napansin!


Muling pinupukol ng intriga ang actress-vlogger na si Ivana Alawi at ang dating Santa Rosa, Laguna Representative na si Dan Fernandez, matapos mapansin ng mga masisigasig na netizens ang isang detalye na agad naging usap-usapan online.

Kuwento ng mga Marites, tila may kahawig na kahawig daw ang disenyo ng walk-in closet ni Ivana sa closet na ipinakita ni Dan Fernandez sa kanyang sariling “Get Ready With Me” o GRWM video — isang patok na trend sa TikTok at YouTube kung saan ibinabahagi ng content creators ang kanilang pagbibihis o outfit routine.

Agad namang umugong ang espekulasyon: Magkaiba nga ba talaga ng lokasyon ang mga closet na ‘yan, o may mas malalim pa bang koneksyon ang dalawa sa likod ng tila magkakaparehong interior design?

Sa isang TikTok video na in-upload ng aktor at dating kongresistang si Dan Fernandez, makikita siyang abalang naghahanda habang ipinapasilip ang kanyang “Outfit of the Day” o OOTD — isang staple na content sa mundo ng GRWM videos.

Pero ang mas nakaagaw ng pansin ng mga netizen ay hindi lang ang kanyang porma, kundi ang background mismo: ang kanyang walk-in closet. Marami ang nakapansin na kahawig na kahawig ito ng closet ni Ivana Alawi; mula sa kulay ng cabinetry hanggang sa disenyo ng mga tiles sa sahig.

Hindi tuloy maiwasang muling uminit ang usapan: coincidence lang ba ito o may mas malalim na dahilan sa likod ng pagkakapareho?

Hindi pa nakuntento ang mga netizens sa simpleng obserbasyon, naglabas pa sila ng mga “resibo” para patunayan ang kanilang hinala. Sa isang viral post, pinagdikit ang litrato ng walk-in closet ni Ivana at ni Dan, at kitang-kita nga raw ang pagkakapareho ng itsura , mula sa kulay at ayos ng closet hanggang sa disenyo ng kurtinang ginagamit ng dalawa.

At tila hindi doon nagtapos ang pagsisiyasat ng online Marites community. Ibinulgar din nila ang lumang panayam ni Boy Abunda kay Ivana Alawi, kung saan diretso nitong itinanggi ang mga kumakalat noon pang balita na may espesyal na ugnayan umano sila ni Dan Fernandez.

Pero ngayon, dahil sa sunod-sunod na “visual similarities,” muli na namang umuugong ang tanong: simpleng coincidence lang ba ito, o may mga detalye pa tayong hindi alam?

Samantala, hindi rin nagpahuli ang mga netizen sa pagbibigay ng kanilang opinion sa viral side-by-side closet photo nina Ivana Alawi at Dan Fernandez. Isa sa mga pinaka-tumatak na komento: “Closet is the ultimate truth teller.”

Kaya’t lalong uminit ang espekulasyon at usap-usapan sa social media — closet nga ba ang bagong source ng chika sa mundo ng showbiz?

Sa ngayon, nananatiling tikom ang bibig nina Ivana at Dan sa naturang isyu.


Post a Comment

0 Comments