Ticker

6/recent/ticker-posts

Ad Code

Bianca De Vera nilinaw ang isyung Scripted ang “Love Team” nila ni Dustin Yu sa PBB


Sa wakas ay nagsalita na ang Kapamilya actress na si Bianca de Vera kaugnay ng usap-usapang scripted umano ang pagiging malapit nila ng Kapuso actor na si Dustin Yu.

Matatandaang sabay na na-evict ang dalawa bilang latest duo evictees sa “Pinoy Big Brother: Celebrity Collab” edition, kung saan naging kapansin-pansin ang kanilang unti-unting pagkakalapit.

Sa isang panayam ng ABS-CBN News, diretsahang tinanong si Bianca hinggil sa umano’y special connection nila ni Dustin at kung ito nga ba ay totoo o bahagi lamang ng isang sinadyang narrative sa loob ng bahay ni Kuya.

“Dustin and I, parang wala namang nagbago. The connection is still there pero it’s like bumalik lang talaga kami sa day 1. It’s like we’re really getting to know each other again. It’s s very refreshing feeling.

“Lagi ko ngang sinasabi sa kanya na ‘Ang sarap sa feeling na makilala ka ulit’. We’re happy. Ganu’n pa rin. Mag-duo pa rin outside,” lahad ni Bianca.

Nang usisain si Bianca ukol sa umano’y umuusbong na “love team” nila ni Dustin, diretsahan niyang inamin na hindi nila kailanman planado ang nabuo nilang koneksyon. Aniya, natural lamang umano ang lahat ng nangyari, walang script, walang intensyong gumawa ng tambalang pangkilig.

“Honestly, it really wasn’t part of the plan. In fact, I was really trying to avoid it pero wala e, nangyari ‘yung nangyari and I think the best we can do right now is to maintain the friendship that we built inside the house,” wika ni Bianca.

Dagdag pa niya, “Nagulat po kaming dalawa because inside the house hindi naman po talaga love team love team ‘yung motive namin. So whatever you guys saw, it wasn’t meant to happen and hindi rin po siya planado. Nagulat po kami pareho na marami palang nagmamahal sa istorya namin.”

Kuwento pa ni Bianca, dahil bagong labas pa lang sila ni Dustin mula sa loob ng Bahay ni Kuya, hindi pa raw niya nabibigyan ng panahon na basahin ang samu’t saring komento ng netizens tungkol sa kanilang tambalan.

Sa ngayon, mas pinipili raw nilang alagaan at panatilihin ang “genuine friendship” na nabuo sa loob ng PBB house; isang koneksyong hindi raw kailanman pilit, kundi kusang tumubo habang magkasama sila sa loob.

Post a Comment

0 Comments