Ticker

6/recent/ticker-posts

Ad Code

Magjowang nahuling nagpapalit ng diaper ng aso sa baby-changing table sa mall, Binatikos ng mga Netzens!



Nagulat at nairita ang mga animal lovers sa kumakalat ngayong mga larawan ng magkasintahang nagpapalit ng diaper ng kanilang alagang aso sa baby-changing table ng isang mall.
Lalo pa silang nainis nang malamang isinama pa ng babae sa loob ng pambabaeng CR ang kanyang nobyo.
Ang mga larawan ay muling ibinahagi sa Facebook ng isang clothing at events management brand, kalakip ang caption na "ba na talaga ang panahon no? ‘FUR PARENT. Men in women’s restrooms. Baby Diaper changing stations turned into pet grooming counters. Society is thriving. Galing!”

Ayon sa isang ulat, unang lumabas ang mga litrato sa Reddit kung saan ito ipinost ng isang netizen na may username na Any_Fact_2712. Ayon sa kanya, kuha raw ang mga larawan noong 2021 sa isang mall sa Pampanga.

“Since madami ako nakikita na posts about irresponsible pet owners sa mga public places, share ko na rin yung never ko na makakalimutan way back in 2021. Pandemic era pa to.

Dagdag nya pa “Ginagamit nila sa dog nila yung diaper changing table for babies! Grabe!”.

Dahil dito, bumuhos ang samu’t saring reaksyon mula sa mga netizen, na karamihan ay nagpahayag ng pagkadismaya at nagsabing hindi tama ang paggamit ng baby-changing table na para talaga sa mga sanggol at hindi para sa aso.


Post a Comment

0 Comments