Marami ang nagpakita ng pag-aalala at pakikiisa kay Matet matapos siyang mapaluha nang bigla habang nasa kalagitnaan ng kanyang live selling. Habang binabasa niya ang mga komento ng viewers sa kanyang TikTok live video, may ilang mensaheng tila tumama sa kanyang damdamin, dahilan upang siya’y hindi na mapigilang umiyak.
Sa video na ngayo’y kumakalat sa social media, makikita si Matet na masiglang nagbebenta ng set ng corned beef, ipinaliliwanag ang presyo at detalye nito. Ngunit sa kalagitnaan ng kanyang paliwanag, bigla siyang napatigil. Hindi na niya napigilang maluha, at halatang nahirapan siyang ipagpatuloy ang kanyang ginagawa.
Ang ganitong emosyonal na sandali ay nagpapakita na kahit kilala at batikan sa industriya, si Matet ay isa ring tao na may pinagdadaanan. Isang bagay na muling nagpapaalala sa publiko ng tunay na damdamin sa likod ng mga ngiti sa harap ng kamera.
Hindi napigilan ng aktres na si Matet ang mapaiyak habang naka-live selling, matapos mabasa ang ilang komento mula sa mga netizen na sumusubaybay sa kanyang live stream.
Bagaman hindi niya tuwirang binanggit kung anong mga salita ang tumama sa kanyang damdamin, patuloy pa rin siyang nagbenta ng kanyang mga produkto sa kabila ng emosyon.
Subalit batay sa isang screenshot na ibinahagi ng user na si @j.jreau sa Threads, posibleng ang nakasakit ng loob ni Matet ay ang komento na, “Wala na kayo project?”—isang tanong na maaaring nagpaalala sa kanya ng kasalukuyang estado ng kanyang karera sa showbiz.
Isa pa sa mga komentong posibleng nakasakit kay Matet ay ang pagbanggit ng isang basher sa kanyang yumaong ina, ang Superstar na si Nora Aunor. Ani ng commenter, “Suplada ‘to kaya iniwan ni Ate Guy,” isang mapanakit na pahayag na tila ibinunton pa sa maselang isyu ng kanilang personal na relasyon—bagay na hindi lamang nakakainsulto kundi maaaring muling bumuhay ng matagal nang sugat.
“Hindi ako naiyak sa live dahil nahihiya ako mag-live. Okay? Kasi ako, proud na proud na proud ako maging live seller ng TikTok ng mga brands na pinaniniwalaan ko, okay?
“Sobra at sobrang saya ko din mag-live, okay, na kahit may pinagdadaanan, kung anuman yan, nagla-live ako. I show up, okay.
“Nagso-show up ako, humaharap ako sa inyo na maayos, nagla-live ako nang maayos. Happy ako sa pagla-live, sobra,” paliwanag no Matet.
Pagpapatuloy ng aktres, “Kaya ako na-bad trip kahapon because of that one person na walang puso at napakawalanghiya, okay.
“Pero yung pagla-live sell, I love it. Kaya gusto kong mag-thank you doon sa mga taong maayos, pagka-live. Gusto kong mag-thank you sa inyo, yung mga sumusuporta pag may live ako, lalo na yung mga suki ko.
“Akala ninyo, hindi ko kayo nakakalimutan, ‘no? So thank you, thank you, thank you everybody for being nice to me, pagiging maayos,” sey pa niya.
Dagdag pang pahayag ni Matet, “Masasabi ko lang doon sa mga talagang gusto lang mamikon, ‘no, sa taong nagtatrabaho lang nang maayos at ginagawa yung gustong-gusto niya, e, wala, babawasan ko na yung pagbabasa ng comments.
“And I will do my best para hindi masira yung trabaho kong gustung-gusto kong ginagawa nang dahil sa inyo. Again, thank you everybody sa mga sumusuporta. Salamat sa inyong lahat,” saad ng aktres.
“And I will do my best para hindi masira yung trabaho kong gustung-gusto kong ginagawa nang dahil sa inyo. Again, thank you everybody sa mga sumusuporta. Salamat sa inyong lahat,” saad ng aktres.
0 Comments