Ticker

6/recent/ticker-posts

Ad Code

Sarah Geronimo napagkamalang may dalang alak sa isang concert sa London


Ang "Pop Royalty" na si Sarah Geronimo ay muntik nang makumpiskahan ng kanyang bote ng hand sanitizer sa isang concert venue sa London matapos itong mapagkamalang alak na inumin ng security.

Na-video-han ang insidente ng kanyang asawang si Matteo Guidicelli, isang aktor, at ibinahagi ito sa Instagram bilang bahagi ng kanilang vlog habang nanonood ng konsiyerto ni Billie Eilish.

Sa video, makikitang naglalakad ang mag-asawa papunta sa entrance, pumipila para sa inspeksyon, at nakikipag-usap sa security guard.

Nang mapansin ng guard ang maliit na bote sa loob ng bag ni Sarah at tanungin ito, sumagot ang singer. “alcohol.”

Sumagot ang guard, “It’s not allowed inside,” na naging dahilan ng tawanan nina Sarah at Matteo nang maunawaan nila ang hindi pagkakaintindihan.

Napagkamalan ng security guard na alak ang laman ng bote, gayong isa lamang itong karaniwang hand sanitizer.

Ipinakita pa ni Matteo ang brand ng “alcohol” sa video upang linawin ang sitwasyon.

Tinawanan na lamang ng mag-asawa ang insidente, na nagpakita rin ng kaibahan ng kultura lalo na ang hindi pagkasanay ng ibang bansa sa karaniwang gawi ng mga Pilipino na magdala ng hand sanitizer na may label na “alcohol.”

Post a Comment

0 Comments