Ticker

6/recent/ticker-posts

Ad Code

Awra Briguela may paalala tungkol sa misgendering issue


Kamakailan matapos magtapos sa senior high school, umani ng atensyon mula sa netizens si Awra Briguela matapos niyang i-repost ang isang infographic tungkol sa kahalagahan ng tamang paggamit ng pronouns at kung paanong ang misgendering ay isang anyo ng kawalang-galang.

Sa pamamagitan ng kanyang Instagram Story noong Miyerkules, Hulyo 16, muling ibinahagi ni Briguela na gumagamit ng pronouns na she/her, ang isang art card mula sa nonprofit na LoveYourself Inc. na nagsasaad na karapatan ng bawat isa na “mapansin at marinig,” at ang pagtawag sa kanila gamit ang tamang pangalan at pronouns ay bahagi nito.

“Habang iniisip ng iba na ‘wala lang yan,’ ang totoo, ito’y anyo ng homophobia at transphobia. Mga salitang resulta ng maling pagtingin ng society sa mga identities ng mga tao. We all deserve to be seen, heard, and called by our name and pronouns. Misgendering is a form of disrespect,” ayon sa post.

Ang muling pag-share ni Awra ng nasabing post ay kasunod ng pahayag ni Jack Argota na dapat umano siyang tawaging "bro," bilang tugon sa mga ulat ng kanyang pagtatapos kung saan tinukoy siya bilang isang babae. Dahil dito, naglabas ng saloobin ang fan page ng aktres laban kay Argota, at sinabing:“Sa pagiging mabait na nga lang babawi di pa nagawa"

Nilinaw naman ng “Ang Probinsyano” star sa Philippine Entertainment Portal na wala siyang Facebook account. Nakasaad rin ito sa bio ng page na nauugnay kay Briguela.

“This is [an] OFFICIAL fan page for Awra Briguela and handled by his fans,” ayon sa bio ng page.

Post a Comment

0 Comments