Ticker

6/recent/ticker-posts

Ad Code

Bea Borres, sinagot kung sino ang ama ng kanyang pinagbubuntis!



Hindi na napigilan ng social media personality na si Bea Borres ang kanyang sarili na magsalita laban sa mga patuloy na nagtatanong tungkol sa ama ng sanggol na kanyang ipinagbubuntis.

Ito ay kasunod ng kanyang kumpirmasyon na siya nga ay buntis sa pinakabagong episode ng kanyang vlog.

Kaya naman sa kanyang pinakabagong Facebook post nitong Miyerkules, Agosto 12, ibinida ni Bea ang litrato nila kasama ang aktres na si Andrea Brillantes mula sa “FPJ’s Batang Quiapo.”

“[S]he’s the daddy ” saad ni Bea sa caption. 

Dagdag pa niya, [O]kay na ba?? ”


Dahil dito, umani ng iba't ibang reaksyon mula sa mga netizen ang nasabing post. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Rich momma and rich tita "

"Imagine Bea Borres Boy Version"

"Abangan Kay zian Gaza sino father HAHAHHAHA"

Matatandaang kamakailan lamang ay naging sentro ng kontrobersiya si Bea matapos niyang ipakita ang kanyang tiyan sa isa sa mga TikTok video niya. Ginawa niya ito upang patunayang wala siyang dinadalang sanggol at pasinungalingan ang mga paratang na siya ay nagpalaglag.

Post a Comment

0 Comments