Matapos mapansin ng netizens ang pagkakapareho ng closet nina Dan Fernandez at Ivana Alawi, ngayon naman ay ang kanilang kusina ang pinag-usapan online dahil sa tila magkaparehong disenyo.
Sa isang post sa social media, ipinakita ang magkatabing larawan ng kitchens nina Dan at Ivana, na parehong may all-white theme.
Maging ang layout at ayos ng kusina ng dalawa ay halos magkapareho rin, ayon sa mga netizens.
Marami ang nagkomento at nagbiro ukol sa panibagong pagkakatulad ng dalawa.
ito ang mga nabasa naming komento:
“Teh makukumpleto na namin house tour niyo, in denial ka pa din HAHAHAHAHAHAHA.”
“Kapal ng mukha mag house tour di naman pala kanya.”
“Bakit kasi hindi nalang aminin? Kesa deny ng todo. Mas lalo lang mababash.”
0 Comments