Ticker

6/recent/ticker-posts

Ad Code

Maris Racal may pagsisisi sa pakikipagrelasyon; Piniling maging Single



May ilang bagay na pinagsisisihan si Kapamilya actress at singer Maris Racal pagdating sa kanyang mga naging karelasyon.

Dahil dito, mas pinili muna niyang manatiling single at ituon ang pansin sa sarili at sa kanyang matagumpay na showbiz career sa kasalukuyan.

Sa isang panayam ni broadcast journalist at TV host Karen Davila para sa kanyang YouTube channel, naitanong kay Maris: “Do you have any regrets about past relationships?” 

Mabilis ang naging tugon ni Maris: “Oh yes, yes!” Ayon sa kanya, masakit ang mga naging karanasan niya sa pakikipagrelasyon, kaya ngayon ay mas maingat na siya at sinisikap nang hindi na maulit ang mga pagkakamali ng nakaraan.

“They may be painful, but nilalagay ko na siya sa moral compass ko. So that whenever I go, I know what to do,” wika ng dalaga.

Kinumpirma ni Maris na kasalukuyan siyang single at wala pa siyang plano na pumasok muli sa isang relasyon, lalo na matapos ang kontrobersyal na hiwalayan nila nina Rico Blanco at ng kanyang leading man na si Anthony Jennings.

Ayon sa Kapamilya star, mas nais muna niyang namnamin at i-enjoy ang pagiging single sa ngayon.

“I feel like I need to give myself some space to grow and to really process everything. 

“I don’t know, but that’s what I’m saying now, but I don’t know about tomorrow,” aniya pa.

Matinding pambabash ang natanggap ni Maris matapos ang hiwalayan nila ni Rico Blanco, dahil inakusahan siya ng ilan na nanloko umano matapos siyang maiugnay kay Anthony Jennings na sinasabing may karelasyon pa noon.

Isa sa mga naging pahayag ni Maris sa gitna ng isyu ay: “Rico and I, our universe was so beautiful. It was full of love, laughter, music, everything. Sa five years namin together, we were always on the same page. 

“I don’t know what happened to me. Maybe I turned to the next page and saw a new perspective sa life. I had visions of who I want to become, and how I want to evolve.

Ayon kay Maris, matapos nilang magkaroon ng seryosong pag-uusap ni Rico, pareho nilang napagdesisyunang wakasan na ang kanilang relasyon. 

 “It was a very difficult talk, cause I love him so much and he loves me. 

“But I have so many questions about my life and how will I go on in life with him, and I have so many questions about me and my sense of self.

“It was very difficult but a very polite separation. Up to the very end of the relationship, it was still full of love and understanding.”

Kasunod ng kanilang hiwalayan, nasangkot si Maris sa isang kontrobersya kaugnay ng umano’y pakikipagrelasyon niya kay Anthony, na naging dahilan ng galit ng girlfriend ng aktor na si Jamela Villanueva.

Dahil sa matinding pambabatikos na natanggap nina Maris at Anthony mula sa publiko, naglabas ang ABS-CBN ng isang video kung saan sila ay magkasunod na humingi ng paumanhin sa publiko.

Post a Comment

0 Comments