Itinanggi ng singer-actress na si Ciara Sotto ang mga usap-usapang romantikong iniuugnay siya sa basketball player na si James Yap.
Nagsimulang kumalat ang tsismis online matapos ang isang post na nagsabing “100% confirmed” na diumano ang kanilang relasyon o isa raw itong “open secret.”
Nang tanungin tungkol sa isyu, agad nilinaw ni Ciara: “No, he’s a friend. He’s a good friend of mine. Matagal na kaming magkaibigan.”
Pinaliwanag niyang matagal na ang kanilang pagkakaibigan, mula pa noong panahon na player si James Yap para sa Purefoods team.
“Kilala ko na siya, Purefoods days pa. Kasi, teammate sila ni Marc Pingris,” Aniya, matagal na rin niyang kaibigan si Marc Pingris, na asawa ni Danica Sotto. Pinsan ni Ciara at isa sa mga pinakamalapit niyang kamag-anak.
Napansin ng ilang netizens na paminsan-minsan ay nakikitang magkasama sina Ciara at James sa iisang gym, na posibleng naging dahilan ng pagkalat ng tsismis.
Si Ciara, na kasalukuyang single, ay hindi isinara ang posibilidad na muling pumasok sa isang relasyon sa hinaharap, ngunit sa ngayon ay nakatuon muna siya sa pagpapalaki sa kanyang anak na si Crixus.
“Majority of my time, talagang naka-focus ako sa pagpapalaki ng anak ko,” Aniya, abala siya ngayon sa pagpapalaki kay Crixus, na aktibo sa sports at sumasali pa nga sa mga kumpetisyon sa ibang bansa.
0 Comments