Ticker

6/recent/ticker-posts

Ad Code

Whamos Cruz humingi ng tawad sa mga Netizens matapos mag trending ang pagpapa opera


Kahit hindi malinaw kung ano ang naging pagkakamali o kasalanan niya, humingi pa rin ng paumanhin si Whamos Cruz sa mga taong bumabatikos sa kanya.

Patuloy siyang binabaha ng hate comments mula sa mga bashers matapos kumalat sa social media ang video matapos nya maoperahan sa luslos.

Marami ang naawa at nakaramdam ng simpatiya para kay Whamos Cruz nang mabalitaang naospital siya at sumailalim sa operasyon dahil sa luslos. Ngunit maraming netizens ang nadismaya at nawalan ng gana sa kanya matapos niyang biglang mag-promote ng online sugal sa huling bahagi ng video.

Nang makarating kay Whamos ang reaksiyon ng publiko, muli siyang naglabas ng video at humingi ng paumanhin, kahit aminado siyang hindi niya alam kung bakit labis ang galit ng mga netizens sa kanya.

“Nagtre-trending na naman ako dito sa Facebook mga par noh, kasi nga gawa sa nangyari doon sa operation ko,” simulang pahayag ni Whamos.

Pagpapatuloy niya, “Hindi ko alam kong anong mali ang nagawa ko. Pero kung ano man po yun, kung ano man po yun, sorry. Pasensya na kung ano man ang mga maling nagawa ko du’n. 

“Sa mga gumagawa sa akin ng video, kayo na yung bahala. Wala namang problema sa akin. Ganu’n naman talaga sa ano ng social media. 

“May gawin kang tama o mali, pagka mali ka, titirahin at titirahin ka nila. Pero sa akin okay lang yun kasi sa akin pagka-ganyan, eh immune naman na siguro ako. 

“Pero may pakiramdam naman ang asawa ko. Pero para sa akin, okay lang masaktan ako. Ang importante sa akin, maging masaya na lang kayo sa mga bagay na gusto niyong gawin sa buhay niyo,” ang buong pahayag ni Whamos.

Matatandaang binanatan si Whamos sa social media matapos magpa-opera ng kanyang luslos sa isang ospital kamakailan.

Hindi nagustuhan ng ilang netizens na matapos ibahagi ni Whamos Cruz ang tungkol sa kanyang pinagdaanang operasyon, ay naisingit pa niya ang pag-eendorso ng online sugal sa parehong video.

Sa isang Facebook post, ikinuwento ni Whamos ang kanyang karanasan sa pagpapa-opera ng luslos o hernia, kung saan umabot umano sa P409,000 ang kanilang naging hospital bill.

Ngunit ikinagulat ng maraming viewers ang huling bahagi ng video, matapos niyang magpasalamat kay Lord, bigla siyang nag-promote ng isang gambling app, dahilan para umani siya ng batikos.

Kaya tuloy, imbes na maawa at makisimpatya ang ilang netizens, ay nainis at na-bad trip pa sila kay Whamos.

Post a Comment

0 Comments