Deadma lang ang actress-vlogger na si Ivana Alawi at dating kongresista na si Dan Fernandez sa mga kumakalat na tsismis na matagal na raw silang may relasyon.
Muling naging sentro ng usapan ng mga Marites ang umano’y relasyon ng dalawa matapos kumalat ang balitang pareho raw sila ng ginagamit na walk-in closet.
Pinalalabas ng mga intrigero’t intrigera sa social media na magkasama raw sa iisang bahay sina Ivana at Dan, dahil pareho raw ang disenyo ng kanilang walk-in closet. Maging ang kulay at mga kurtina ay magkapareho raw.
Sa kabila ng sunod-sunod na espekulasyon, nananatili pa ring tikom ang bibig ng dalawa at wala pa ring nililinaw kung ano nga ba talaga ang ‘label’ ng kanilang ugnayan. Pero kung ang tanong ay kung may namamagitan sa kanila, marami na ang kumbinsidong matagal nang may lihim na relasyon ang dalawa. At para sa ilan, matagal na raw itong ‘open secret’.
Sa gitna ng maiinit na tsismis, muling binuhay ng mga netizens ang isang lumang panayam ni Ivana Alawi sa ‘Tonight With Boy Abunda’ na ipinalabas noon sa ABS-CBN.
Sa nasabing panayam, hindi nagpaliguy-ligoy ang ‘King of Talk’ na si Tito Boy Abunda at diretsahang inurirat kay Ivana kung totoo ba ang bali-balitang nililigawan siya ni Dan Fernandez.”
Hindi na nagpatumpik-tumpik si Ivana at mabilis na sinagot ang tanong, “No. We’re friends.”
Ayon pa sa kanya, totoo ngang nagkakasama sila ni Dan Fernandez sa ilang lakad, pero aniya, wala raw dapat malisya dahil “magkaibigan lang” sila. At kailanman ay hindi raw naging “sila.”
Hindi rin pinalampas ni Tito Boy ang pagkakataon at sinundot pa si Ivana ng tanong kung bakit hindi siya interesado kay Dan Fernandez. Mabilis ang sagot ni Ivana at walang pasakalye:
“Kasi babaero siya. Ayoko ng babaero. Hindi ako pumapatol sa ganyan, ang gusto ko ‘yung seryosong magmamahal sa akin.”
Pero bago pa ang rebelasyong ito, headline na rin noon si Ivana matapos sumalang sa isang kontrobersyal na lie detector challenge kasama ang kapatid niyang si Mona. Dito, walang kiyemeng natanong siya kung:
“Ikaw ba ay nanira ng pamilya?”
Diretsahan at walang pag-aalinlangan ang sagot ni Ivana sa tanong kung nanira ba siya ng pamilya: “No.”
Mas lalong nagliyab ang eksena nang lumabas ang resulta ng lie detector at truth ang lumitaw.
Hindi rin nagpigil si Ivana sa kanyang reaksiyon matapos makumpirma ang kanyang sagot:
“Hindi ako pinalaking manira ng pamilya.”
Dagdag pa niya, may malalim siyang dahilan kung bakit hindi niya raw kailanman gagawin ’yon:
“I respect families kasi kami nga broken family. Ano ‘to, tapos maninira ako ng family? Sira ulo ka pala e.”
Ipinunto rin ni Ivana na kahit isa siya sa pinakasikat na personalidad ngayon, mas pinipili pa rin niyang manatiling pribado sa ilang aspeto ng kanyang buhay.
0 Comments