Ticker

6/recent/ticker-posts

Ad Code

Phivolcs nagbabala sa maaaring pag putok ng Taal Volcano anumang oras


Nagbabala ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) nitong Linggo na ang patuloy na pagtaas ng real-time seismic energy measurement (RSAM) at ang mababang antas ng sulfur dioxide (SO₂) emission sa Bulkang Taal sa Batangas mula pa noong nakaraang buwan ay maaaring magdulot ng pagputok.

Ayon sa inilabas na abiso ng Phivolcs dakong alas-4 ng hapon nitong Linggo, “The sharp increase in RSAM and the lack of observable degassing from the Main Crater may indicate blockage or plugging of volcanic gas pathways within the volcano, which may lead to short-term pressurization and trigger a phreatic or even a minor phreatomagmatic eruption,” 

Ang mga phreatic eruption ay mga pagsabog na dulot ng singaw o steam-driven explosions. Nangyayari ito kapag ang tubig sa ilalim ng lupa o nasa ibabaw ay napainit ng magma, lava, maiinit na bato, o mga bagong deposito mula sa bulkan (gaya ng tephra at pyroclastic flow deposits).

Nagkaroon ng phreatic eruption ang Bulkang Taal na tumagal ng 17 minuto noong Hunyo 17./cb —Delfin T. Mallari Jr.

Post a Comment

0 Comments