Ticker

6/recent/ticker-posts

Ad Code

Netizens hindi maiwasang mag react sa pahayag ni Fyang Smith: “walang makakatalo sa batch namin.”



Umani ng matinding reaksiyon mula sa netizens si Pinoy Big Brother Gen 11 Big Winner Fyang Smith matapos niyang sabihin na ang kanilang batch ang “the best” sa lahat ng 18 seasons ng naturang reality show.

Sa isang ngayon ay viral na video clip, sinabi ni Fyang: “Alam mo, kahit ilang batch pa ’yan, walang makakatalo sa batch namin. Hello? Gen 11? Breaking… Highest… Hello? Hindi! Joke lang! Kaya walang makakatalo sa batch namin kasi lahat kami very genuine, very authentic. Akala nga namin walang nanonood, kaya lahat kami gano’n mga ugali namin.”

Habang may ilang fans na natuwa at naaliw sa kumpiyansa ni Fyang, marami naman sa mga manonood ang na-offend at itinuring itong offensive sa mga naunang batch na mas iconic para sa kanila. Mga batch kung saan kabilang sina Kim Chiu, Sam Milby, John Prats, Melai Cantiveros, James Reid, at Maris Racal.


Narilo ang ilang komento ng mga netizens na nabasa namin:

“Hello daw sabi ng batch nila Melai,”

 “Walang makakatalo sa original batch—kina Nene, Franzen, Chx, at Jason.”

May mga netizens na tinawag ang kanyang pahayag na “ilusyonada” at “mayabang,” habang may isa pang nagsabi, “Ni hindi ko nga napanood ’yang batch niyo.”

May ilan din na nagbiro at kinutya ang umano’y pagkakahawig niya sa komedyanteng si Kitkat, habang may iba naman na nagduda sa pagiging “genuine” ng kanyang pahayag.

Sa kabila ng mga batikos, nananatiling pinakamataas ang bilang ng manonood ng PBB Gen 11 season ni Fyang sa kasaysayan ng Pinoy Big Brother, na nagtala ng 2.26 milyong sabayang nanood habang tumatakbo ang season—mas mataas kumpara sa 1.5 milyon na naitala noong PBB Collab Big Night ng kanyang season.

Habang patuloy ang mga diskusyon online, may isang netizen na nagbitiw ng matinding buod: “Tama naman si Fyang—so far.”

Post a Comment

0 Comments