Ticker

6/recent/ticker-posts

Ad Code

Whamos Cruz binatikos ng netizens sa pag promote ng sugal matapos maoperahan ang luslos





Pinupuna ngayon ng ilang netizens ang social media personality na si Whamos Cruz matapos niyang isapubliko ang kanyang operasyon sa luslos kamakailan.

Hindi kasi nagustuhan ng ilan na matapos ibahagi ni Whamos ang kanyang pinagdaanang surgery, ay isinabay pa niya ang pag-endorso ng isang online sugal sa kanyang video.

Sa kanyang Facebook post, nag-upload si Whamos ng video kung saan ikinuwento niya ang tungkol sa kanyang luslos o hernia operation, na umabot umano sa halagang P409,000 ang kabuuang gastos sa ospital.

Pero mas lalo pang ikinagulat ng mga nakapanood ng kanyang Facebook video dahil sa huling bahagi nito.matapos niyang magpasalamat kay Lord, bigla pa siyang nag-endorse ng isang gambling app.

Dahil dito, imbes na maawa at makisimpatya sa kanya, marami sa mga netizens ang na-bad trip at nainis pa sa kanya.

Narito ang ilan sa mga komento ng netizens na aming nabasa:

“Idol kita sa mga funny content mo. Pero Yung mag pasalamat ka Kay God sabay promote ng Sugal that’s very wrong lodi.”

“Yung nasa hospital kana nga pero may gana ka pang mag alok ng sugal. Iba talaga mga Influencer pati siguro critikal na ang buhay may sugal pa rin sa post.”

“Get well soon Whamoscruz kung sino man admin sa page na ito sana huwag na lang mag promote ng sugal kasi hindi magandang influence yan sa mga kabataan huwag na lang idaan sa mga content may sakit na nga amo nyo! Pagkakitaan pa iniisip nyo!”

Post a Comment

0 Comments