Si Jave Arnaiz ay biglang sumikat ilang taon na ang nakalilipas matapos kumalat sa internet ang isang 15-segundong video kung saan makikitang nag-“street surfing” siya gamit ang sirang skateboard sa Cebu. Habang marami ang natuwa at naaliw sa naturang video, hindi rin nawala ang mga taong mabilis siyang husgahan. Tinawag siyang adik, ininsulto, at nakatanggap pa ng pagbabanta sa kanyang buha. Lahat ng iyon dahil lamang sa isang maikling video. Maraming tao ang nagtawanan at nilait siya nang hindi man lang siya lubusang kilala o naunawaan ang kanyang pinagdadaanan.
Sa likod ng video ay isang binatang nagsisikap lang malampasan ang mga pagsubok ng buhay. Lumaki siya sa kahirapan, at ginamit ang kanyang pagiging malikhain at masayahin upang makaraos sa araw-araw. Ngunit nang sumikat ang video, hindi niya naiwasan ang matinding panghuhusga mula sa mga taong ni hindi man lang nag-abala na alamin ang kanyang tunay na kwento.
Sa halip na magpadaig sa masasakit na salita ng ibang tao, ginamit ni Jave ang mga ito bilang inspirasyon. Ginawa niyang lakas ang bawat pang-iinsulto. Pinagsikapan niyang magtagumpay, mas lalo siyang nagsumikap sa pag-aaral, at patuloy siyang nagtiwala sa Diyos sa buong paglalakbay niya. Sa isang makapangyarihang mensaheng ibinahagi niya, sinabi ni Jave: “I never let their judgment define me. I turned every insult into fuel, every doubt into a reason to fight harder.”

Sa kasalukuyan, isa nang proud na nagtapos si Jave mula sa University of the Philippines—isa sa pinakakilalang unibersidad sa bansa—isang matibay na patunay ng kanyang katatagan, pananampalataya, at determinasyon.
Ngayon, hinihikayat niya ang ibang tao na nakaranas din ng pangungutya o hindi naintindihan ng iba na huwag kalimutan na mas higit sila kaysa sa sinasabi ng ibang tao tungkol sa kanila.
“You are purpose. You are strength. And with faith, grit, and grace, you’ll rise above it all,” wika nya.
Ang kwento ni Jave ay isang paalala na hindi dapat husgahan ang isang tao base lamang sa panlabas na anyo o sa isang saglit na tagpo na nahuli ng kamera. Isa itong panawagan na pahalagahan ang kabutihan, pang-unawa, at huwag kailanman maliitin ang kakayahan ng isang tao batay lamang sa kanyang pinagmulan.
Mula sa pagiging biktima ng maling akala at matinding panghuhusga kung saan tinawag pa siyang adik, hanggang sa maging isang ganap na graduate ng UP, pinatunayan ni Jave na walang imposible basta’t may pananampalataya at pagsusumikap.
0 Comments