Ticker

6/recent/ticker-posts

Ad Code

Julia Montes may babala sa umaaligid kay Coco Martin: Subukan n’yo pong magkamali


Handa na ang Kapamilya actress na si Julia Montes na gumanap bilang mala-kontrabida laban sa mga babaeng aaligid sa actor-director na si Coco Martin.

Sa pinakabagong vlog ni Euleen Castro kasama ang kanyang bestfriend na si Kevin Montillamo, kung saan naging guest ang Kapamilya actress, biniro nila si Julia tungkol sa posibilidad na maging bahagi siya ng “Batang Quiapo.”

“Kaya hindi ako makuha ni Direk Coco, sabi niya ang hirap ko itago sa poste,” biro ni Euleen sabay tanong kay Julia ng, “Ano pong feeling na love of your life si Tanggol?”

Tila  hindi agad nakasagot si Julia sa tanong. Makalipas ang ilang sandali, nagsalita na siya at nagbigay ng babala sa mga babaeng umaaligid kay Coco.

“Sa mga girls, alam niyo na…” wika ni Julia sabay tawa.

Dagdag pa niya, “Ipapaalala ko lang na nag-Clara ako, nag-Sara ako. Ano pa bang mga kontrabida ang nagawa ko? Lahat ‘yon pwedeng maging ako in one day. Subukan niyo pong magkamali. Lahat po ng inaaral natin sa buhay ay i-aapply natin.”

Sagot ni Euleen kay Julia, “‘Di naman namin aagawin. Gusto lang namin mag-Tanggol-Tanggol.”

Inusisa naman ni Euleen kung sa tingin ni Julia ay siya na ang “forever” ni Tanggol.

Sagot ni Julia, “I think [he has no] choice.”

Matatandaang noong 2023 ay pormal nang isinapubliko nina Julia Montes at Coco Martin ang kanilang relasyon, matapos ang matagal na panahon ng espekulasyon at usap-usapan tungkol sa tunay na estado ng kanilang samahan.

Post a Comment

0 Comments