Ticker

6/recent/ticker-posts

Ad Code

Kathryn Bernardo at Mark Alcala Spotted na lumipad patungong Australia?


Wala pang isang linggo matapos manumpa sa tungkulin, humarap agad sa matinding pambabatikos online si Lucena Mayor Mark Alcala matapos kumalat sa social media ang mga larawan umano niya kasama ang aktres na si Kathryn Bernardo sa isang biyahe patungong Australia.

Nag-viral nitong Martes ang mga litrato na tila kuha sa isang paliparan, dahilan para kuwestyunin ng netizens ang mga prayoridad ng alkalde, lalo na’t panahon ng bagyo at maraming kinahaharap na isyu ang lungsod.

Hanggang sa ngayon, wala pang pahayag mula kina Alcala o Bernardo upang kumpirmahin o pabulaanan ang mga usap-usapan. Gayunpaman, mabilis at mariin ang naging reaksyon ng publiko.

Narito ang ilan sa mga komentong nabasa namin:

“Kaka-oath taking lang ah, gala agad abroad? Season pa naman ng bagyo, kailangan ng mayor,”

“Public servant si Alcala. MAYOR. He SHOULD be working, hindi ‘yung one week pa lang after inauguration, bakasyon agad,”

wala pang inilalabas na opisyal na pahayag ang pamahalaang lungsod ng Lucena kaugnay sa umano’y biyahe ng alkalde.

Post a Comment

0 Comments