Ticker

6/recent/ticker-posts

Ad Code

BINI Nakatanggap ng Pambabatikos matapos kumain ng Streetfood



Mainit na usapin na naman sa social media ang mga miyembro ng Nation’s Girl Group na BINI matapos nilang lumahok sa challenge ng foreign YouTube channel na “People Vs. Food.”

Sa episode na ito, tinikman at binigyan ng ratings ng BINI ang ilang kilalang Filipino snacks.

Sa video, makikitang sinubukan nila ang iba’t ibang pagkaing Pinoy gaya ng isaw, kwek-kwek, betamax (dugo ng manok), yema, mamon, turon, taho, balut, hopia baboy, at marami pang iba.

Sa kabuuan ng video, maraming netizens ang nainis at nadismaya sa pagiging maarte umano ng grupo habang kinakain nila ang mga pagkain, na para bang ngayon lang nila ito natikman sa buong buhay nila.

Isa sa mga natikman nila ay ang Betamax. Ayon kay BINI Jhoanna, “I haven’t tried this one.”

Hirit naman ni BINI Sheena, “Me too.” Sinabihan na lang niya ang sarili na, “Just think of it as chocolate.

Pero ayon sa dalaga nang matikman niya ang inihaw na dugo, “I don’t think I can. I don’t want.”

“No,” ang sabi rin ni Jhoanna.

Komento naman ni BINI Aiah, “It’s really good.”

Hindi rin ito type ni BINI Colet na nag-dialogue ng, “I haven’t tried this.”

Wika naman ni BINI Gwen, “This is not my thing.”

Bukod sa Betamax, hindi rin nagustuhan ng mga miyembro ng BINI ang hopiang baboy. Makikita sa video na hindi sila gaanong natuwa sa lasa nito. 

Kasunod nito, kaliwa’t kanang batikos nga ang natanggap ng grupo. “plastik,” “feeling K-pop,” “sobrang arte” at “feeling rich.”

Ilan sa mga nabasa naming comments ng netizens:

“Trying hard pa yung English and accent nila “

“Galing magpanggap ni Gwen hahahahaha”.

“Pustahan lahat yan nakain na nilaaaa bago pa ang fame nila. Pero bakit ang aarte.”

“Kala mo hindi nanggaling sa laylayan yung isa HAHAHAHAHA!”

May ilan din na dumepensa sa BINI laban sa mga bashers.

“Aminin nyo mga picky eater rin naman kayo hindi lang kayo sikat. Akala mo mga hindi nag iinarte sa bahay kapag ang nakahain ay hindi gusto. Mga pinoy talaga bawal magpakatotoo dapat plastik para mahalin ng mga tao ganun ba dapat?”

Wala pang inilalabas na pahayag ang BINI kaugnay sa isyung ito.

Post a Comment

0 Comments