Inulan siya ng matinding batikos mula sa netizens matapos mag-viral ang kanyang video, kung saan makikitang nagmamaneho siya na halos lantad na ang kanyang 'kaluluwa.'
Sa video, makikitang nakataas ang isang hita ni Cherry, o Cherrylyn Gonzaga sa totoong buhay, habang siya’y nagmamaneho; isang asal na ayon sa LTO ay maaaring magdulot ng panganib sa ibang motorista sa kalsada.
Ayon kay Acting Assistant Secretary at LTO Chief Greg Pua, may malaking posibilidad na mauwi sa aksidente ang paraan ng pagmamaneho ni Cherry.
Sa kanyang Facebook post, naglabas ng public apology si Cherry sa LTO kaugnay ng kanyang ginawa, na siyang naging dahilan ng pagkakasuspinde ng kanyang lisensya sa pagmamaneho.
Caption ni Cherry sa kanyang FB post: “Sorry na. mag eebike na lang ako nadali ako labas kasi bulbull ko e,”
Dagdag pa ni Cherry, isang Facebook page ang nag-upload ng kanyang video, na aniya’y kuha pa tatlong buwan na ang nakalilipas.
“Ito pala ang nagre-upload kaya na-ungkat yung video yari ka sakin pag dating ko ng LTO didiretcho ako NBI kumikita ka ng million dahil sa post ng pagmumuka ko.
Dagdag nya pa “Goodluck sayo ipapasuka ko sayo mga kinita ng page na yan, Nandyan lahat ibendensya na puro mukha ko pinopost mo ng walang pahintulot,”.
Aminado naman si Cherry na siya ay nagkamali sa kanyang ipinakitang asal sa video. “OMG, suspended ako 3 months hahaha nag-prapractice daw ako mag-maneho kamote kasi ako e hahahaha."
“Inaabangan nako ng motor ko sa Pinas sabay is-sususpinde. Kamote kasi,” aniya pa.
Sa inilabas na show cause order ng Land Transportation Office (LTO), inatasan si Cherry na magpaliwanag kung bakit hindi siya dapat patawan ng parusa kaugnay ng paglabag sa Section 27 ng Republic Act 4136 na tumutukoy sa reckless driving.
Ipinag-utos ng LTO na personal na humarap ang vlogger sa kanilang Central Office sa Quezon City sa darating na Hulyo 16, ganap na alas-11 ng umaga, upang magpaliwanag sa insidente.
Samantala, iginiit ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Vince Dizon na hindi nila palalampasin ang mga kaso ng iresponsableng pagmamaneho sa mga lansangan.
Wika ni Dizon sa isang press release, “Paulit-ulit na utos ng Pangulo na dapat ay ligtas ang kalsada para sa lahat. Hindi natin tino-tolerate ang iresponsable at reckless na pagmamaneho,”
0 Comments