Pumanaw na si Lolit Solis, isang kilalang talent manager, TV host, at beteranang kolumnistang pang-showbiz sa edad na 78.
Kumpirmado ang malungkot na balita mula sa kanyang pamilya, na ipinahayag sa pamamagitan ng Facebook post ni Gorgy Rula, isang beteranong kolumnista at radio host, ngayong umaga ng Hulyo 4.
Ayon sa pahayag: “Our beloved Manay Lolit Solis has peacefully joined her Creator last July 3, 2025.
“Manay Lolit leaves behind a loving family and many friends who will always cherish her memory.
“We remember Manay Lolit as a feisty and staunch loyal supporter, manager and friend.
“We love you our dearest Manay, you will forever be in our hearts.
“Rest well now in the loving embrace of our Lord.”
Nagpahayag din ng pakikiramay si dating aktor at kasalukuyang Kinatawan ng unang distrito ng Cavite, Jolo Revilla, sa pamamagitan ng social media. Kalakip ng kanyang mensahe ng pamamaalam ang isang larawan ni Manay Lolit, bilang pagpupugay sa yumaong talent manager.
“Rest in Peace Nanay Lolit Solis. Salamat sa lahat ng pagmamahal at pagsuporta mo sa aming buong pamilya lalo na kay papa.
“Salamat sa pagaalaga mo sa akin noong ikaw ay tumayo bilang aking manager noong ako ay artista pa.
“Lubos po kami nag dadalamhati sa iyong pagkawala. We will miss you nanay, mahal na mahal ka namin.”
Bago tuluyang pumanaw, nakapagbahagi pa si Manay Lolit sa Instagram ng kanyang karanasan kaugnay sa anxiety na kanyang naramdaman matapos siyang magkasakit at maospital.
“Talagang hindi ko akalain at my age du’n pa ako mako confined at magkakasakit. Nagkaruon nga tuloy ako ng anxiety attack dahil hindi ko akalain na at my age mahihiga ako sa hospital bed.
“Medyo hindi ako talaga sanay sa hospital scenario kaya culture shock para sa akin ang mga nangyayari. Everytime I wake up in the morning shock ako na nasa ibang kuwarto ako. Kaya nga minsan gulat ako paggising.Kaya tuloy parang at a lost ako tuwing gigising.
“I feel like crying pero wala na akong magagawa.
“Ang hirap pala ng maysakit. Hopeless, helpless, weak ka. Para bang hindi mo alam where and what to do. I feel it was already late for me para magkaruon ng ganitong episode sa buhay. Pero alam mo naman si GOD alam niya when or where ibibigay sa iyo ang mga bagay.
“So grateful na ngayon older na ako nangyari ito. Meron na ako ng pasensiya at wisdom na tanggapin mga bagay. I feel sad, weak, but hopeful. Wishing na sana gumaling ako agad at maging active uli.
“I love life. I love my works. I love my friends.I live life like everybody else. But if being sick is a sacrifice I have to experience it was an eye opener for me.”
Bagamat hindi niya natapos ang kursong Political Science sa UP Diliman, ipinagpatuloy pa rin ni Manay Lolit ang kanyang pagmamahal sa pagsusulat at pinasok ang larangan ng pamamahayag.
Unang hakbang niya sa propesyon ay bilang police-beat reporter noong dekada ’70. Kalaunan, nakilala siya bilang showbiz columnist sa isang kilalang broadsheet, kung saan ang kanyang entertainment editor ay ang yumaong talent manager na si Douglas Quijano.
Mula noon, umangat ang kanyang pangalan bilang isang matapang at palaban na kolumnista sa showbiz, at noong dekada ’80, pumasok na rin siya sa pagiging talent manager.
Kabilang sa mga kilalang artista na kanyang naalagaan ay sina Gabby Concepcion, Tonton Gutierrez, Christopher de Leon, Lorna Tolentino, Rudy Fernandez, at ang dating senador na si Bong Revilla.
0 Comments