Lalong lumalaki ang pangamba sa kaligtasan ng GMA News anchor na si Emil Sumangil matapos ang kaniyang eksklusibong panayam sa isang whistleblower na may kaugnayan sa kaso ng mga nawawalang sabungero.
Nakausap ni Sumangil si Julie Dondon Patidongan, kilala rin bilang “Alyas Totoy,” isa sa mga pangunahing personalidad na iniimbestigahan kaugnay ng serye ng mga pagkawala na nagsimula pa noong 2021.
Noong gabi ng Biyernes, Hulyo 4, nag-post sa Facebook ang asawa ni Sumangil na si Michelle, upang magpasalamat sa mga sumusuporta at mag-alay ng panalangin para sa kaligtasan ng kaniyang asawa.
“We would like to thank the netizens who first initiated and called for the safety and protection of my husband, Emil Sumangil,” wika nya. “Your concern, prayers, and vigilance brought light and strength to us during this time.”
kasunod nito, nag-alay siya ng taos-pusong panalangin para sa kaligtasan ng kaniyang asawa: “Dear Lord, thank You for Your constant protection and grace. We lift up Emil into Your loving hands. Surround him with Your divine shield and keep him safe from harm… ‘No weapon formed against you shall prosper’ – Isaiah 54:17.”
Nagbahagi rin siya ng mga hashtag tulad ng #ProtectEmilSumangil at #JournalismWithCourage bilang panawagan para sa kanyang kaligtasan at bilang suporta sa malayang pamamahayag.
Sa isang hiwalay na Instagram post, muling nanawagan si Michelle sa publiko: “With all humility, I ask for your prayers for my husband, Emil Sumangil. After his recent interview with a key figure in the case of the missing sabungeros, many have expressed concern for his safety.”
“Emil is simply doing what he was called to do — to seek truth, to serve the people, and to give voice to the unheard.”
Naglabas din mismo si Sumangil ng mensahe sa Facebook bilang pasasalamat sa publiko: “Nakarating po sa’kin ‘to… ako po’y nagpapasalamat sa pag-aalala inyo.”
0 Comments